PIRING
Tanggalin ang piring sa mata
Piring ng kolonyal na edukasyon at kultura
Piring ng repormang lako ng pamahalaang
Pinagharian ng iilang mayayaman.
Piring ng kaunlarang hindi naman sa mamamayan
Piring ng pananahimik at pag-asa sa kapalaran
Piring ng demokrasya’t kapayapaang
‘bigay’ ng dayuhang gahaman.
Pairalin ang pandama upang makaunawa
Isipang nabulag ngayo’y bigyang laya
Upang malalimang masuri ang lipunan
Malaman, bakit URI ang pinag-uusapan.
Tuturuan tayo ng mamamayan
Kung bakit interes ng mga uri ay nagtutunggalian
Sila rin ang magpapaunawa
Bakit kailangan ang radikal na paglaya.
Halina’t magbalik-tanaw sa kasaysayan
Ugatin ang uring ating kinabibilangan
Suriin ang katotohanan sa realidad ng buhay
Pairalin ang pambansa-demokratikong pananaw!
Huwag magpabulag, alisin ang piring sa mata
Pag isipa’y binuksan at puso’y inialay sa masa
Maitataguyod pati perspektibang sosyalista
Kailangan lamang ating pagkakaisa at pakikiisa!
March 16, 2002
Para kay Best ito, bad – trip ako sa kanya, e.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home