Friday, July 01, 2005

? ? ?

Tayo nga ba’y mangmang
............................................. laging busabos

Tayo nga ba’y alipin na lamang
............................................ nagpapaalipustang lubos


Bumbunan ba nati’y walang laman
............................................. Kundi paghihirap
Dunong at dangal ba nati’y
............................................. Hindi na maaapuhap


Hindi na ba tayo makakalaya
............................................. Sa mahigpit na tanikala
Dahas at kamatayan ba
............................................. Ang kapalaran sa tuwina


Di ba’t mangmang
............................................. Ay natututo rin
Aral ng kasaysayan lamang
............................................. Ang kailangang pandayin


Di ba’t napatunayan na
............................................. Na sandata’y paglaban
Di ba’t kailangan lamang
............................................. Ang pagkakaisang tunay


Kung kasaysayan ay kangkungan
.............................................. Ng panunupil at karahasan
Ano’t di magbalikwas
.............................................. At ipagtagumpay ang kinabukasan

March 19, 2002, wala lang

0 Comments:

Post a Comment

<< Home