Thursday, November 03, 2005

Marami AKO

Marami ako pero iisa lamang ang aking mukha

Ang ikinaroroon ko na lamang ay ang kaunti
ninyong kawalan

Hinubaran na ako ng aking kasuotan
Nilinis ng dumi

Sa gabi ba’y akala mo ako’y napapayapa?
Nakikipagtuos ako sa pamamahinga

Wala na kayong habag,
Kayong nagsisipaghulog ng barya,

Ang latang ito AY ANG AKING SALITA!

Pebrero 13, 2000

Talk With A Hero On A Sunday Morning

Sitting on a bench in the quiet park
The flowers of the rain tree came down on me.
“Donde estais jovenes…?”
I will dare go to the mountains of coconuts
And let you alone with your flowers and daydreams.

March 9, 2000

remembering martyrs...


Para sa Kasamang Pumanaw

Hindi na siguro mahalaga pa
Ang ating pagkakilala sa isa’t isa
Noong mga panahong matikas, masigla
Ang ngayong katauhang pumanaw na;

Anu’t anuman ibig ko lamang pakawalan
Ang dalamhati’t hinagpis
Dulot ng iyong pisikal na pagwalay
Sa ‘yong pamilya at sambayanan;

Ah, ngunit sino ka nga ba?Ikaw na kay lalim ng pandama
Sa pagtangan ng prinsipyo ng pakikibaka
Upang pandayin ang bagong sistema;

Ikaw na galing sa uring inalipusta
Anakpawis na sa habang panaho’y sinamantala
Natutong bumalikwas, iminulat ang mata
Nag-aral, hinasa, pinatalas ang pandama;

Makauring interes mahigpit na tinangan
Upang pag-tibayin pag-oorganisa’t paninindigan
Kayo na Uring Manggagawa -
Lalaya, sa tanikala ng dayuhang pagdusta;

Ang aklas na iyong sinibulan
Sa ngayon, isang puwersa, ay nawalan
Subalit, maraming tulad mo ang papalit-hihiyaw
Abanteng destakamento – sumulong magtagumpay!


February 14, 2001, para kay Ka Boboy Doroja

PAGPUPUGAY!

kayo’y binhi ng sambayanang
ipinunla sa digmang bayan

tatag, tapang at dakilang pagmamahal
sa pagsibol at pagtubo ang inyong tinaglay

sa inyong pamumulaklak ay napanday
ang unti-unting pagyurak sa gubat ng kahirapan

kasabay ang dantaong pamumulaklak
ng rebolusyonaryong butil sa diwa ng mamamayan

sa gayon natakot at nataranta ang kaaway
ayaw mabuwag ang kanilang mapagsamantalang kaharian

ang kanilang karahasan ang pumutol sa inyong tangkay,
kalupitan ng estado ang umagaw sa inyong buhay

Ipinagpupugay ng bayan ang inyong katapangan
Dakilang ambag ninyo’y hindi makakalimutan

Sa pag-usbong ng bawat talutot ng tagumpay
Kakalat at dadami ang butil ng aklasan

malawak na parang ng rebolusyon ay walang kamatayan
dudurugin ang iilang naghahari at kakamtin ang kalayaan.

April 23, 2002 para kina Ka Liza, Jessie, Jack, Miguel at sa lahat ng kasamang nag-alay na ng buhay – ang pinakamataas na sakripisyo - para sa rebolusyunarong adhikanin. Ako’y nagpupugay at nagpapasalamat na minsan sa aking buhay, kayo ay nakapiling at nakasama.

Pananagutan ng kaaway ang kalupitang inyong dinanas sa kanilang kamay at ito ay ipapataw ng sumusulong at nag-aalimpuyong puwersa ng mamamayan!


PARA KAY KA JERRY

A searing pain
Is what you left
My father, my friend,
My comrade
An enduring loss
Your death has brought

Lives have been enlightened
Hopes lifted up
By your never-ending
Patience and sacrifice
To arouse, organize and mobilize
The masses of workers

Your life has been a service
Only for the poor and exploited
Like you were
But you were never disheartened
Always you know that waging
The people’s war was the solution

Beloved comrade, in your parting
Our continuous and collective struggle
Will be a tribute to your lifelong endeavor
You may be lost from our company
But your memory will never be:

A vanguard of the advanced detachment
An inspiration to the PROLETARIAN REVOLUTION!

Sept. 17, 2002
We will miss you, always


DAKILA KA, KASAMA

Simpleng tao, simpleng pangarap
Nabuhay sa hirap
Nabibighani sa mga simpleng sarap
Dahil namulat sa buhay na salat
Nagpilit umasenso
Nabatak sa trabaho
Ngunit mapasamantala’t ganid
Hindi binigyan ng respeto

Kaya’t ika’y sumama sa daluyong ng masa
Nanguna sa pakikipaglaban
Para sa sahod, trabaho at karapatan
Nag-organisa sa kapwa manggagawang inaalipusta

Walang takot na linabanan
Ang salot na korupsyon at kolaborasyon
Sa loob ng hanay upang tunay na magtagumpay
At tinanganan ang laban para sa tunay na kalayaan

Sa Bikol, isa ka sa libu-libong sulo
Na gumapang sa dibdib ng kilusang paggawa
Isa ka sa mga landas at haligi
Upang maitayo ang tunay na unyonismo

Dala ang walang sawang tiyaga na mag-aral
Bitbit ang matiyagang pag-uunawa
Inabot mo ang kataas-taasang kamalayan
Ng buong panahong paglingkod sa bayan

Sumagupa sa reaksyon
Kilabot na kaaway ng mga kapitalista
Nanlilisik na matang pantapat sa mga pasista
Kalaban ng mga bentador at kolaborasyon

Sa iyong pagpanaw,
Taglay mong sulo mananatili sa amin
At kakalat sa parang ng proletaryadong aklasan
DAAN NG REBOLUSYONG walang sawa mong tinahak
Patuloy naming lalakbayin hanggang sa tagumpay!

Sept. 23, 2002
Kita – kita tayo, Cho Mar sa tagumpay!


Para kay Mike, Nabuwal sa Paanan ng Mt. Iriga

Sapagkat
Tinalikuran mo ang panganib
Na lumaban sa nakahihilakbot na halimaw
At mamatay,

Ikaw ngayo’y
Sinila man ang bungo ng kaaway
Pumipintig sa bawat dibdib ng mga iniwan
Dumadaloy sa bawat ugat ng inaapi.

Pebrero 21, 2000